Huwebes, Disyembre 6, 2012

Pagninilay-nilay tungkol sa Pagsubok ng Personalidad


Marami-rami na rin akong nasagutan na personality tests sa buhay ko at isa na itong gods and goddesses sa mga iyon. Sa mga nasagutan kong tests katulad nito, although natutuwa naman akong magsagot, kadalasan parepareho lang ang mga sinasagot ko at parepareho lang din ang nagiging resulta ng mga test. Hindi dahil tamad ako magsagot, kundi dahil yun lang yung pagkakakilala ko sa sarili ko. Kung ano yung mataas yung score, ‘yun ako. Iyan ang kadalasang sagot ng mga personality tests. Pero iba ang gods and goddesses test lalo na noong nalaman ko ang mga ibig sabihin ng mga resulta tungkol sa mga persona at shadows. Hindi lang pala kung ano ‘yong mataas ang score, yun ako. Pati pala yung mga mabababa may ibig sabihin rin pala sa buhay ko. Sa test na ito, nalaman kong shadow ko si Poseidon. Ako yung taong mahilig magtimpi, tapos maiipon at maiipon lang yung galit hanggang sa sasabog nalang ako bigla. Ako din yung iiyak nalang. Hindi ko itinuturing na kahinaan yung pag-iyak lalo na kung wala naman nakakakita. Kapag masama ang loob ko, iyak lang. Naniniwala kasi ako na sa ganitong paraan, nailalabas ko yung sakit o yung galit nang hindi ako nakakasakit ng tao. Dito sa test na ito ko nalaman yung reason kung bakit napakaiyakin kong tao. Kahit nga masasayang sitwasyon iniiyakan ko eh. Iiyak ako kapaag nalulunod ako sa emosyon, kahit anong emosyon pa ‘yan, saya, lungkot, galit at kung anu-ano pa. Kaya pala ganun kasi yun pala yung nangyayari kapag shadow ko si Poseidon. Hindi ko alam kung tama din ito eh. Pero nagiging maganda yung epekto ng luha sa pakiramdam ko. Nakakabawas sa apaw-apaw na emosyon sa puso ko.
Ayon sa test, shadow ko rin si Ares at narealize ko din naman na tama ito. Ako kasi yung taong hindi komportable sa katawan, puno ng insecurities at laging naghahangad na sana kasing ganda ko si ganito, kasing payat ko si ganyan… ‘Yong laging nagtatanong ng, “Ano bang maganda sakin?” Lagi akong naiinggit at naiinsecure sa magagandang tao. Ang ginagawa ko nalang, sinisikap kong maging maganda yung ugali ko kasi naniniwala ako na kung hindi ako maganda sa panlabas, magiging maganda pa rin ako para sa panigin ng iba kung maganda yung ugali ko. Itong insecurities na ito ang shadow na pinakaalam kong nandito sa puso ko, pero pinakatatago ko naman sa iba. Sobrang hindi ko ‘to sinasabi sa iba kasi nahihiya ako. Feeling ko sasabihin nila na ang babaw ko.
Shadow ko din si Hestia. Nung una nagtataka ako kung bakit kasi gusting gusto ko naman sa bahay, Ang saya ko naman kapag nasa bahay ako. Pero nung nagreflect ako, nalaman ko na figuratively, kaya pala ganun yung result ko kasi ako yung taong ayaw na makukuling lang sa iisang gawi sa buhay. Gusto ko lalabas ako, mag-aadventure at i-eexperience ang mga kung anu-anong bagay. Tapos, at the end of the day, uuwi ako ulit sa bahay na dala yung mga bago kong experiences at doon magpapahinga. Kaya pala masaya ako sa bahay, hindi dahil homemaker ako, kundi dahil sa bahay ako nakakahanap ng kapahingahan matapos ang lahat ng adventures ko sa labas.
Shadow ko din si Hera at dito nagsilabasan yung mga ugali ko sa mga relasyon ko sa mga tao sa buhay ko. Ako yung taong sobrang clingy physically pero nananakit emotionally. Kaya din siguro nahirapan yung past boyfriend ko sakin kasi ang hilig ko maglambing kapag magkasama kami tapos mamaya-maya, yung magtalo lang sa maliit na bagay mabubungangaan ko na siya. Yung salita ko pa naman akala mo kutsilyo. Namana ko ‘yun sa nanay ko. Ilang beses ko ipinangako sa sarili ko na hindi ako magiging katulad ng nanay ko, pero in the end,  ‘yun din pala ang ugaling pinapakita ko. Since nabanggit ko na din yung nanay, shadow ko din si artemis. Hindi ako masyadong mother’s protector. Kapag mag-kaaway nga sila ng tatay ko, kampi ako lagi sa tatay ko. Siguro kasi mas close kami. Kaya persona ko si Athena eh. Pero wag na natin masyado pag-usapan yung persona, focus tayo sa shadow.
Huli kong shadow si Persephone. Hindi ko mareflect hanggang ngayon kung bakit shadow ko siya. Isa naman akong taong sarap na sarap at daling-dali makareceive ng pagmamahal ng iba. Ako ‘yung taong gawan mo lang ng konting nakakatouch na bagay, teary eyed na sa tuwa. Sa kabila ng hindi ko pagkakatanto sa  ibig sabihin ng shadow na ito sa buhay ko, hindi pa rin naman ako sumusuko. Umaasa ako na balang araw makikita ko pa rin ang shadow ni Persephone sa buhay ko.
Habang dinidiscuss ni sir yung mga ibig sabihin ng mga gods and goddesses sa test na ‘yun, lalo ko nakilala ‘yong sarili ko. Lalo ko nalaman kung bakit ganito ‘yung ugali ko at nalaman ko ang mga ugaling maging sa sarili ko ay tago. Kung ano mang problema sa ugali ang natuklasan ko, sisikapin ko itong mabawasan manlang. Masaya ako sa pagsubok na ipinagawa sa amin dahil isang kaligayang maituturing ang makilala at malaman nang lubusan ang kagustuhan ng sarili.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento